Naaalala pa ba ninyo ang kumalat na larawan ng Encantadia cast bago pa i-announce ang mga opisyal na gaganap sa iconic GMA telefentasya?
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang nasabing litrato. Ayon sa gumaganap bilang Sang'gre Pirena, ito raw ay kuha matapos ianunsyo na nasungkit nila ang iconic roles.
"Throwback to when it was finally announced that we're going to be part of #Encantadia. Hindi ko matandaan kung kakatapos lang namin umiyak nito. Ang bilis ng panahon," pahayag ni Glaiza sa kanyang caption.
Simula nang ipalabas ang requel noong July 2016, patuloy pa ring namamayagpag ang Encantadia sa telebisyon hanggang ngayon.
MORE ON 'ENCANTADIA':
IN PHOTOS: 'Encantadia' stars na kontesera sa beauty pageants
WATCH: Ang bagong anyo ni Sang'gre Amihan sa 'Encantadia'
IN PHOTOS: Ang mga alaala ni Amihan na hindi malilimutan sa 'Encantadia'