What's Hot

EXCLUSIVE: Vaness del Moral, handa na muling ma-bash sa 'Impostora'

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 6, 2017 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan si Vaness del Moral sa Impostora, soon on GMA Afternoon Prime.

Matapos makatanggap ng maraming mean comments sa kanyang social media accounts dahil sa kanyang effective portrayal bilang Gurna sa Encantadia, muling magiging kontrabida si Vaness del Moral sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Impostora. Gaganap siya bilang si Crisel, ang madalas mang-api kay Nimfa (Kris Bernal) dahil sa itsura nito.

 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com


READ: GUESS WHO: Sino si Nimfa?

Sa isang eksklusibong panayam with GMANetwork.com, mabilis na sinagot ni Vaness ang tanong kung handa na ba siya sa bashers ng kanyang role.

 

"Ma-bash at magalit ulit sa akin ang mga tao? Oo! Sanay na sanay na ako sa sobrang dami ng mga shows na nagawa ko na kontrabida ako. Tapos ilang beses na ako na-bash, at saka 'yung inaaway ako sa Instagram. Sanay na ako."

Imbes na patulan ang mga sinasabi ng netizens ay pinagtatawanan na lamang daw niya ang mga ito.

"Parang kapag nabasa ko, matatawa na lang ako, which is 'yun naman talaga ang nangyayari. Although a lot of people naman kasi ngayon, hindi na kasi katulad nung dati na kung ano ang napapanood nilang character, akala nila 'yun ka talaga. Alam na nila 'yung difference ng character doon sa totoong tao, sa totoong Vaness. Alam na nila ang difference nun so naaaliw na lang sila."

Abangan si Vaness del Moral sa Impostora, soon on GMA Afternoon Prime.

MORE ON VANESS DEL MORAL:

Vaness del Moral, nagpaalam na bilang Gurna ng 'Encantadia'

Vaness del Moral bravely shares her sexual harassment experience