What's Hot

Michael V on maintaining his squeaky clean image: "Hindi ka makahanap ng dahilan para magloko"

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2017 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

16k cybercrimes logged since 2024 due to Pinoys' increased awareness – CICC
Travelers flock at terminals on Christmas Eve
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit sa loob ng 21 years sa GMA ay hindi nasangkot sa anumang kontrobersya si Michael V?

 

 

Bilib ang GMA Network Chairman at CEO na si Atty. Felipe L. Gozon kung paano napanatili ng Kapuso comedy genius na si Michael V ang magandang pangalan niya sa showbiz.

Sa panayam ni showbiz TV reporter Lhar Santiago kay Atty. Gozon, magandang ehemplo sa mga tao ang tulad ni Bitoy at kahit man siya ay aminadong iniidolo ang magaling na komedyante.

Ayon kay Chairman Gozon, “Well si Bitoy naman idol ng marami. Para sa akin si Bitoy lang sa level niya ang pinakasikat na comedian sa ngayon. At kaya ko naman sinabing idol eh wala akong naririnig na kahit tsismis man lang tungkol dito kay Bitoy. Alam mo para sa isang artista medyo talagang pambihira ‘yun.”

READ: Michael V on staying a Kapuso for 21 years: "GMA gave an offer I can't refuse"

Natanong tuloy ni Lhar si Michael V kung paano ba niya na-maintain ang magandang reputasyon sa industriya at nakaiwas sa mga kontrobersya?

Paliwanag ni Bitoy, “Nung una parang challenge lang for me na 'Oh maiba naman' sa ibang komedyante o kaya kung eto path na tahakin ko eh napangasawa ko si Carol (Bunagan), nagkaroon kami ng anak, nagkaroon uli ng isa pa, hanggang maging apat. Maganda ‘yung takbo ng career ko, parang hindi ka makahanap ng dahilan para magloko. Parang ayaw na sumagi sa isip ko eh, ang saya-saya na ng buhay ko para kang kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo. Hindi worth it, hindi worth it.”

Napapansin din ngayon ng mga netizens ang talented na anak na babae ni Michael V na si Yanni Bunagan na nag-aaral sa Ateneo de Manila at kumukuha ng kursong BFA Theater Arts.

Papayagan kaya ng Pepito Manaloto star na pasukin din ni Yanni ang mundo ng showbiz?

Saad niya, “Depende, sabi namin mag-asawa mag-aral muna siya. 'Pag nakatapos siya kung ‘yun ang gusto niyang path eh di suportahan namin.”

IN PHOTOS: Meet Yanni Bunagan, the gifted daughter of Michael V
 
MORE ON MICHAEL V:

16 things you didn't know about Michael V
 
The Ultimate Michael V Throwback  

Snapshots of Michael V's parody songs