Article Inside Page
Showbiz News
This ain't for the kiddies! Grown-ups, here are the stories from our Kapuso stars on how they found "Santa" out when they were little!
There’s a reason why Santa Claus can consume insane amounts of milk and cookies every Christmas Eve and not die from obesity, why he always finds a way inside our houses despite the absence of a chimney, why Rudolph seems immortal, and why all our love letters to him reach the North Pole without a decent address. Yup, it’s something that all kids need to discover for themselves. Read up on our Kapusos’ stories about the day they found out Santa’s secret! Compiled by Jillian Q. Gatcheco. Photos by Mitch S. Mauricio.
Jolina Magdangal: “Naku, baka may makabasang bata, kasi feeling ko dapat, naniniwala sila kay Santa! Mga 12-13 years old na ako noon. Yung chocolate na nasa socks namin sa hagdanan, pag bukas ko ng study table ng mommy at daddy ko, nandoon yung isang supot ng chocolate! Pero may mga hina-hinala na ako [noon pa], kasi sumusulat ako, e. [Yung handwriting ni Santa], parang pareho pag pinahiga ng daddy ko yung sulat niya!”
Aljur Abrenica: “Kasi bata pa lang ako, pinalaki na ako sa reality. Sinabi kaagad [sa akin]. Noong bata kasi ako, open-minded na ako. Tapos one time, nag-investigate ako. Nagtago pa ako sa likod ng upuan, nag-aabang. Hanggang sa makatulog ako, paggising ko may regalo na. Then, one time inamin sa akin ng dad ko na sila nga ang naglalagay. Bata pa ako noon, mga Grade 3. Alam mo yun, di ba pag nasa store ka, ‘Ay Mommy, gusto ko nito.’ ‘Ay anak, sa Pasko na lang, baka bigyan ka ni Santa Claus.’ Tapos bibilhin na nila kapag wala ka na. Tapos magugulat ka nandoon na sa medyas mo!”
Maxene Magalona: “I was around 10 or 11, tapos napansin ko na yung sulat ni Santa Claus sa card, syempre pinapalitan ng parents ko, pero alam mo yung halata na sila pa rin nagsulat? So at that age, parang, ‘Nye!’ So doon ko napansin sa sulat ni Santa Claus.”
Raymond Gutierrez: “When I realized that my mom was buying all the stuff that I was putting on the list! Parang na-obvious na namin [ni Richard], kasi [the card] said ‘Raymond,’ [pero] walang ‘From.’ When we realized na ‘Okay, it can’t be true naman!’ We’d catch our mom hiding the toys in her room, or something [like that]. Siguro mga eight or nine [years old ako noon].”
Lovi Poe: “Actually kasi, mom ko nagbibigay sa akin ng gifts. Na-figure out ko noong nakita ko yung handwriting ni ‘Santa Claus’ daw at yung handwriting ng mom ko. Sabi ko, ‘Aha!’ Tapos biglang nag-stop magbigay ng gifts noong tumatanda-tanda na ako. I don’t know, mga six or seven years old. Tapos iniisip ko, ‘Naging bad girl na ba ako kaya hindi ako binibigyan ng gifts ni Santa? So ayun, na-figure out ko na na mommy ko.”
JC De Vera: “Ever since naman, hindi talaga ako [mahilig] sa gifts, e. Hindi ako natutuwa tulad ng ibang bata sa pagbukas ng gifts. So ever since, hindi na ako naniniwala talaga kay Santa. Nakakakuha ako ng gifts, pero hindi tulad ng ibang bata na naniniwala talaga. When I was in grade school, nag-stop. Kasi habang nagma-mature ka na, gusto mo na, pera, e! Hahaha! Di ba?”
Nadine Samonte: “Si daddy! Hahaha! Every Christmas, may darating na Santa Claus sa amin! Naka-costume talaga! Ako naman, ‘Parang hindi! Pero parang oo din!’ Tapos kasi, every December 6, pag gising mo, mayroon kang gift sa socks…Pag December 5, kailangan mong maglagay ng socks sa may bintana. Tapos pag gising mo sa umaga, may mga chocolates doon! Tapos pag bad daw kami, may mga newspaper. Pag madaming newspaper, yun daw yung sobrang bad namin! Pero pag madaming chocolates, konti lang newspaper, ibig sabihin good kami! Ako minsan, may newspaper! Hahaha! So ganoon nga, tapos pag December 25, lalabas si Santa Claus. Noong nine or 10 years old ako, nakita ko, lumabas si Santa Claus tapos pumasok sa kwarto -- sabi ng mom ko doon daw lalabas si Santa Claus. Tapos pag pasok ko ng kwarto, nakita ko daddy ko, hawak niya damit ni Santa Claus! Buking na buking ko talaga siya! Sobrang nadismaya ako!
Dino Guevarra: “[I found out] when I was mga nine years old. Kasi noong una, talagang sumasama ako sa dad ko pag nag-go-grocery, kasi dalawa lang talaga kami. Tapos lagi niya akong tinatanong, ‘O, what do you want Santa Claus to give you?’ Tapos magugulat ako, parang binibili niya! So parang nagkaka-idea ako, pero masyado pa naman akong bata noon, hindi ko pinapansin. Tapos noong isang beses, hindi ko rin makakalimutan yung Christmas na yun, kasi yun yung time na naghiwalay yung daddy ko at mommy ko. Syempre [dahil] nagaaway-away sa baba, [bumaba] ako ngayon. Pag baba ko, nakita ko yung daddy ko, dala-dala yung mga gifts! Doon ko na-realize na siya nga yung Santa Claus.”
Marky Cielo: “Kasi nakita ko yung unan sa likod ng damit ng lolo ko pagsuot niya. Siya kasi kunwari [si Santa] dati! Noong bata ako, nakita ko yung unan. Tapos, medyo natatanggal-tanggal pa yung [beard] na nilalagay niya! Siguro mga kinder pa lang [ako noon].”
Glaiza de Castro: “Actually, lumaki ako na walang Santa Claus sa Christmas namin. Kasi more on Jesus kami, kasi nga Born Again [kami]. So, hindi namin kinalakhan na si Santa yung nagbibigay ng gifts sa amin.”
Rainier Castillo: “Siguro mga seven years old yata ako, o mga eight. Hindi ko alam kung paano pero bigla na lang dumating sa isip ko na ‘Ah, wala naman yata talagang Santa!’”
Katrina Halili: “Kailan ba? Hindi ko na matandaan e. Nagbantay ako noong isang beses, parang, ‘Mayroon ba talaga?’ Teka, huhulihin ko ‘to! Hindi nagtatanong kung anong gustong ilalagay [kasi!]”
Rufa Mae Quinto: “Bata pa ako, alam ko na e. Kaya di ako masyado nag-enjoy noong bata ako. Basta alam ko lang. Pero kahit na nalaman ko siya, naglalagay pa rin ako ng medyas. Kasi parang pwede magkatotoo. Mga Grade 2 [ako noon]. Noong bata ako, wala naman kaming ganyan – mga regalo. Pag mahirap, walang gift. Kaya hindi [kami] masyadong sanay sa Santa Claus. Basta alam ko na [naglalagay] lang ang Tito ko sa medyas. Susulat kami ng kung ano ang gusto namin, kung may budget kami. Kaya ko nalaman e, yan yung dahilan. Tanong nang tanong kung ano gusto namin!”
Marky Lopez: “Siguro around 11 years old [ako], [nalaman ko sa] classmate ko. Nakipag-away pa ako! Kasi pinapalabas sa bahay na mayroong nagpapadala. Tapos nahuli ko! Depressed, pero syempre, sa age na yun, medyo nagma-mature ka na.”
Antonio Aquitania: “Siguro elementary pa lang ako, alam ko na na fake si Santa Claus. Kasi niloloko lang ako ng nanay ko. Nahuhuli ko siya every time na maglalagay ako ng medyas sa may window namin, nakikita ko siya bago ako matulog!”
Ruby Rodriguez: “Ang bata ko pa yata. I don’t remember the age of course, pero I saw my mom putting the gift. And then when she saw me she said, ‘Halika tulungan mo ako.’ And I think she told us that Santa is a myth. But ako, I am not telling my daughter. She’s nine years old and she still has letters to Santa. She mails it. Or, since bumabalik kung minsan -- sa ibang bansa kasi kapag nakita nila yun, mayroon na silang mail for north pole e -- dito ibabalik sa’yo. So sabi ko, ‘No, just put it [under] the Christmas Tree and Santa Claus will get it.’ So ngayon nakikita ko may nakasulat doon to Santa, so binasa ko siya. Tapos, binalik ko.”
Allan K: “Syempre when I grew older, [noong] wala nang laman yung medyas ko. Niloloko lang [pala] ako ng mga magulang ko!”
Kris Bernal: “Kasi naglalagay kami ng medyas lagi sa Christmas Tree. Tapos may pera yun lagi. E nahuli namin one time, tatay namin yung naglagay ng pera! ‘Ay! Hindi pala totoo! Tatay ko pala.’”
Edgar Allan Guzman: “Ang dami kasing gumagaya e! Mayroong party malapit doon sa bahay namin, so pumunta ako. Natatandaan ko mga 10 ako siguro or nine, talagang may Santa Claus na namimigay. Mayroon pang red na malaki, mga rega-regalo. So naniwala ako. Pero na-realize ko noong lumalaki na ako, fake pala. Ang daming nanggagaya. Ang dami sa TV, sa mga party, etc. Kung may totoo talagang Santa Claus, yun yung gusto kong ma-meet. Hihingi ako ng regalo!”
Brenan Espartinez: “Kasi noong tumatanda na ako, naglalagay ako ng...Syempre kasi Pinoy, naglalagay ng supot, medyas, ganyan. E [biglang] wala nang naglalagay, kasi di ba, malaki ka na! Noong minsan, tinanong ko, ‘Sino ba talaga si Santa Claus?’ Tinanong ko kay Mommy. ‘Sina lolo mo yun!’ So ayun, big discovery naming magkapatid yun!”
Anton Dela Paz: “In-explain sa akin ng mom ko na ‘Kami lang ang bumibili ng gift from Santa Claus.’ Siguro mga nine or10 [years old ako]. Sabay kami ng ate ko [na] sinabihan. Naintindihan naman namin.”
How did you discover Santa’s best-kept secret? Share your story in the iGMA Forum!