What's Hot

Jolina Magdangal is in no rush to marry longtime boyfriend Bebong Munoz

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 6:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Missing bride-to-be na si Sherra de Juan, sa Pangasinan nakita
Bentahan ng paputok sa Dagupan City, bente kwatro oras na | One North Central Luzon
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News



At 29 and six years into their relationship, Jolina Magdangal feels she needs more time before she plunges into marriage with boyfriend Bebong Munoz.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Jolina Magdangal will turn 29 next year, pero wala pa raw sa plano niya ang magpakasal sa kanyang boyfriend na si Bebong Muñoz. stars Sa panayam namin kay Jolina sa Christmas party at first anniversary bash ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Wednesday, December 19, sa World Music Room Family KTV sa Greenhills Promenade, San Juan, nilinaw ng PEP blogger na wala siyang sinabi na ikakasal na siya sa kanyang kasintahan for six years. Matatandaang naging masyadong maingay ang usap-usapan na magpapakasal na sila ni Bebong pagkatapos ng May 2007 elections, pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong katuparan. "Masyado lang siguro napagpiyestahan 'yong kasal," paliwanag ni Jolina. "Minsan tatanungin ako, ‘What's your ideal wedding?' So, ikukuwento mo ang ideal wedding mo, pero ang lalabas, that's your plan na talaga na hindi naman talaga." Giit niya, "Never akong nagsabi na definite na 'yon, kung anong petsa, saan ang reception at saang simbahan; hindi. Never talaga akong nagsabi ng detalyado." Sa ngayon ay masaya si Jolina dahil bagama't natalo si Bebong nang tumakbo siyang congressman sa Caloocan City ay nakakuha naman siya agad ng stable job sa The Fort sa Makati, na katulad din ng scope ng dati niyang trabaho sa New York—sa international finance. Dagdag ni Jolina, "Aside from this, may sariling business siyang ipinundar kasama ang kanyang kaibigan, similar to a consultancy firm and marketing at saka branding consultant. Ang pangalan ng kanilang agency ay Maverick Corporation. Ang client nila ay Adidas and GMA Films." Still going strong pa rin ang relationship nina Jolina at Bebong. Never daw inisip ng actress/TV host/singer na baka mabaling sa iba ang pagmamahal ng kasintahan dahil sobrang secure ito sa pagmamahal ni Jolina. stars "Sa totoo lang, kung may temptation ay 'yong nandoon pa sa America, di ba? Kung 'yon ay napagdaanan namin at okay, what more dito?" rason ni Jolina. Sa edad ngayon ni Jolina 29 ay hindi pa rin siya nagmamadaling magpakasal dahil ayon sa kanya, bakit siya magmamadali kung may ilang nagpapakasal ng maaga na nagkakahiwalay rin naman. "Ilang taon na nga kami, pero sa ilang taong 'yon, ilang taon din kaming nagkaroon ng long-distance relationship, di ba? Ngayon lang talaga kami nagkasama," sabi niya. Sinasabing kapag umabot na ang isang babae sa edad na 30 ay maraming makapagpatunay na mahihirapan ang babae sa panganganak. Hindi ba natatakot dito si Jolina? "Marami nga ang nagsasabi sa akin e," sambit niya. "Madami na ang nananakot sa akin. Sabi nila, mag-asawa na ako dahil mahirap manganak kung 30 na ako. Mayroon din naman nagsasabing i-enjoy ko muna ang buhay ko bilang single dahil marami na ang invention ngayon na madali na para sa isang babae ang manganak." MOVIE WITH GABBY & OUIJA. Blame it on the news na gagawa ng movie sa GMA Films si Jolina kasama ang ex-husband ni Sharon Cuneta at ang ama ni KC Concepcion na si Gabby Concecion. Dahil dito ay muling pinag-usapan ang matagal nang nananahimik na aktor sa USA na ngayon ay isa nang matagumpay na realtor sa California. "Nagulat nga ako dahil may mga reporters na tumatawag sa akin para kumpirmahin ang pagsasama namin ni Gabby sa isang movie under GMA Films. Wala naman akong maisagot kasi wala pa namang napag-usapan, e. Actually, naghihintay lang ako kung kailan ako tatawagan para makipag-meeting sa mga big bosses ng GMA Films," pahayag ni Jolina. Tuloy ba ang Part 2 ng horror film na Ouija, na pinagsamahan nila noon ni Judy Ann Santos? "May Part 2 yung Ouija," sagot niya. "Pero ang alam ko, ginagawa pa 'yong story dahil hindi basta-basta na para lang magawa 'yong Part 2 ay go na lang nang go. Gustong mas pag-igihan ang production dahil maganda ang nangyari sa Part 1." Samantala, inamin ni Jolina na sumama rin ang loob niya dahil sa pagkakansela ng premiere night ng Ouija sa Amerika. "Siyempre, nakakasama ng loob kasi nag-usap nga kami ni Juday kung ano ang mga gagawin namin. Parang na-imagine namin kung anong bonding ang gagawin namin doon. ‘Tapos, ang sarap ng feeling na maglu-launch ka sa America at naka-schedule na kami kung saan-saan kami pupunta, pero biglang wala," may panghihinayang na pahayag ng multimedia star. May mga nakarating daw kay Jolina kung ano ang mga dahilan kung bakit biglang nakansela ang kanilang premiere night sa U.S., pero maluwag niya rar itong tinanggap at inisip na lang niya na kasama ang ganitong maduming pamamaraan sa showbiz. Aniya, "Alam mo for the past ilang months, ang naging policy ko na lang sa sarili ko 'yong negative na feeling, huwag ko nang i-entertain. Kasi sasama lang ang loob ko, sino'ng malulungkot? Ako, sila, tuloy-tuloy lang, nagawa nila 'yon at naging masaya sila. Okay na rin kasi nagkaroon din naman ako ng show nang makansela ang premiere night." Nasabi rin ng aktres na ito na magiging New Year's resolution na niya na instead entertaining negative feelings, make it positive and be happy. "Hello! Hindi na rin ako bumabata. E, kung anytime, puwede na rin akong tamaan ng high blood, di ba? Twenty-nine na rin ako kaya ayokong ini-entertain ang mga ganun. Gusto ko, hindi ako palaging stressed," paliwanag niya bilang pangwakas. -- PEP (Philippine Entertainment Portal) In your opinion, should Jolina get married now or wait for the perfect time? Talk about Jolina and her non-plans of getting married at the iGMA forums! And if you're not yet registered, you can register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso Star through iGMA Live Chat! If you want to be the first to know about showbiz scoops, find out from the stars themselves! Feel the Fun with Fanatxt by texting JOLINA to 4627! (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers.) You can catch Jolina every weekday morning in the best hangout place for the early birds, Unang Hirit. Then, every Sundays, be amazed with Jolina's performance level on SOP.