
Exchange student sa Ateneo de Manila si Meant To Be Star Addy Raj nang tuluyan siyang ma-in love sa bansang Pilipinas.
Dahil sa kanyang mga showbiz commitments, halos isang taon na siyang namamalagi dito. Naging mapagnilay naman ang mood ni Addy at ipinahayag niya ito sa kanyang Instagram account na mula naman sa Tunay na Buhay guesting niya.
"Two months of exchange program in Ateneo de Manila during my summer break in India was enough to make me fall in love with the country," sulat niya.
"I will soon complete[one year of stay in the Philippines in bits and pieces (This time being the longest stay ever, almost six months straight) and I must say, I have no regrets!" dagdag pa nito.
Tila gusto na rin niyang manirahan sa Pilipinas habang buhay.
"I want to stay here forever! Chicken adobo pa more!" aniya.
Isa si Addy sa apat na leading men ni Barbie Forteza sa GMA Telebabad hit na Meant To Be. Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Destined To Be Yours.
MORE ON ADDY RAJ:
Addy Raj, na-"out-of-place" ba noong unang punta niya sa Pilipinas?
Addy Raj, agree ba na dapat itigil na ang playboy tendencies ng character niyang si Jai?