
Nag-uwi ng mga karangalan ang ilan sa mga GMA prized talents sa katatapos pa lamang na 48th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation kagabi May 14.
Ilan sa mga ito ay ang Comedy Queen Aiai delas Alas na nakamit ang Global Achievement by a Filipino Artist award.
Inuwi naman ng Eat Bulaga phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa naturang award-giving body ang parangal na Prince and Princess of Philippine Movies para sa block-buster hit nila na Imagine You and Me.
Nakamit din ng Pambansang Bae ang tropeo for Album of the Year.
Samantala, pinag-usapan online ang naging reaksyon ng Kapamilya comedian na si Vice Ganda nang ma-meet si Alden Richards sa nasabing awards na ginanap sa Ateneo de Manila Henry Lee Irwin Theater.
Hindi maiwasan ni Vice na ma-starstruck sa Kapuso actor, kahit katapat ng kaniyang noontime show ang Eat Bulaga kung saan isa sa mainstay ang Pambansang Bae.
Heto ang pasilip sa Instagram stories ni Vice patungkol kay Alden Richards.
MORE ON ALDUB:
IN PHOTOS: Maine Mendoza's sexy & black OOTD sends social media into a frenzy
IN PHOTOS: Celebs na tinamaan ng AlDub fever
LOOK: 14 must-see AlDub throwback photos