Showbiz News

LOOK: Julie Anne San Jose, 'abuso' at 'sumusobra na' ayon kina Jose Manalo at Wally Bayola

By BEA RODRIGUEZ

“Abuso” at “sumosobra” na raw si Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, ayon kina Concert Comedy Kings Jose Manalo at Wally Bayola. Pinakita lang naman ng actress-singer ang kanyang talento sa pagkanta, pagsayaw at pagtugtog ng mga instrumento tulad ng piano, guitar at drums.

Nalaglag ang panga ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas sa showcase ng birthday girl, “Grabe napaka-talented mong bata. Happy Birthday! [I’m] so proud of you.”

 

Hinihingal pa si Julie sa halos anim na minuto na birthday production number pero isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.

“Unang-una, gusto ko po sanang magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang natatanggap ko po, ng pamilya ko, and of course, sa mga talents po na binigay po niya sa akin,” bungad ng Kapuso star.

Sinundan ito ng kanyang pasasalamat sa kanyang nanay bilang Mother’s Day greeting, “Siyempre, sa mga magulang ko, sa paggabay po sa akin. I [also] just want to say, ‘Mommy, thank you so much for raising me well. Kung hindi dahil sa iyo, wala ako dito sa mundong ito.’”

Tinuunan naman ni Asia’s Pop Sweetheart ng pansin ang kanyang mga fans, “Siyempre, hindi po mawawala ‘yung mga supporters ko. Maraming maraming salamat, guys. Mahal na mahal ko kayo, and I wouldn’t be where I am right now if it weren’t for you, guys. Thank you so much for sticking with me.”

May pa-birthday rin ang Sunday noontime show sa birthday celebrant kaya saad ng 23-year-old, “Maraming maraming salamat, Sunday PinaSaya family [at] Pepito Manaloto family. Thank you, Lord!”

Simple lang din ang hiling ni Julie, “Maging healthy po ako [at] ‘yung family ko [at saka] love, peace [at] happiness.”

Happy Birthday, Asia’s Pop Sweetheart!

 

MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:

LOOK: Julie Anne San Jose’s Playlist Live takes top spot on Twitter Philippine trends 

READ: Julie Anne San Jose performs on Playlist Live as birthday treat to fans 

IN PHOTOS: #SPSLoveUmom