What's Hot

Kris Bernal clarifies status of her relationship with Marky Cielo and Aljur Abrenica

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 7:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ng StarStruck 4 winner na si Kris Bernal na nagiging very close na sila ng co-star niya sa Zaido at Boys Nxt Door na si Marky Cielo.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Inamin ng StarStruck 4 winner na si Kris Bernal na nagiging very close na sila ng co-star niya sa Zaido at Boys Nxt Door na si Marky Cielo. Pero nilinaw ng young actress na ang closeness nila ng StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor ay bilang magkaibigan lamang at hindi rin daw nagpaparamdam sa kanya ang binata na gusto siyang ligawan nito. Marami nga raw ang nanunukso kay Kris ngayon dahil dala-dalawa ang lalakeng nali-link sa kanya. Maliban kay Marky, nandiyan ang co-star din nila ni Marky sa Zaido at Boys Nxt Door na si Aljur Abrenica, na balitang ka-MU (mutual understanding) na ni Kris. Nagtataka si Kris kung saan nanggagaling ang balitang nililigawan na raw siya ni Marky. May dagdag pang dinalaw na raw siya nito sa kanilang bahay. Ayon kay Kris, "Masasabi kong close na kami ni Marky because ka-love triangle namin siya ni Aljur sa Zaido. Pero yung nasulat na serious daw siyang nanliligaw sa akin, wala pa namang ganun pa. "In fairness naman kay Marky, okay siya at parati siyang nangungumusta sa akin through text messages. Pero hindi ko naman iku-consider na panliligaw ‘yon. Very friendly lang talaga si Marky sa lahat." Pero ayon sa balita ay parang nakakaramdam na raw ng selos si Aljur kay Marky dahil nagiging close nga nga ito kay Kris. "May gano'n ba?" natatawa niyang tugon sa Philippine Entertainment Portal (PEP). "Siguro sila na lang ang tanungin n'yo kasi as far as I know, okay naman silang dalawa. Parati naman silang nagkakausap at wala akong nararamdaman na may gap na ang dalawa. "Siguro naman malalaman ko kung may problema sa kanilang dalawa. Kapag taping naman namin, okay sila. Buddy-buddy nga silang dalawa, eh. So walang selosan na nangyayari." If ever na biglang nagsabi si Marky sa kanya na liligawan siya, okay lang ba ito kay Kris? Hindi ba niya ito sasabihin kay Aljur? "Hindi ko alam ang maisasagot ko diyan kasi wala pa namang ganyan nangyayari sa amin ni Marky. Pero in case nga na may ganyan, okay lang naman na manligaw siya kasi wala pa naman kaming relasyon ni Aljur. Good friends lang kami ni Aljur kaya open naman ako sa kung sino ang puwedeng manligaw sa akin," sabi ni Kris. Naikuwento rin ni Kris na kaya nasabi niyang wala silang seryosong relasyon ni Aljur ay dahil urong-sulong daw ang binata sa nararamdaman nito sa kanya. "Minsan kasi hindi ko maintindihan si Aljur," diin ni Kris. "Minsan kasi ang sweet-sweet niya, pero may times naman na parang deadma siya. Hindi ko ma-gets ang nararamdaman niya sa akin. I don't know kung okay ba kami or hindi kasi wala naman siyang sinasabi sa akin. "Kaya hindi rin siya dapat siguro magselos kung sakaling may i-entertain akong manliligaw kasi wala naman kaming relasyon talaga. Not unless sabihin ni Aljur na he's going to be serious with me, open ako sa mga gustong manligaw sa akin." Kung sakali ngang manligaw si Marky, may pag-asa kaya ang binata sa kanya? "Hindi ko pa masasagot ‘yan hanggang nanligaw na nga siya," pauna ni Kris. "Pero kung may manligaw sa akin na tulad ng personality ni Marky, yung mabait siya at marunong rumespeto ng babae, bakit naman hindi ko siya sasagutin, di ba?" Dagdag niya, "Sa aming mga babae naman, hanap namin ay yung lalakeng marunong rumespeto. It means na pinalaki siya ng maganda ng magulang niya." Kung may dumating ngang lalake na gano'n sa buhay ni Kris, paano na si Aljur? Saan na lulugar ngayon ang binata? "Aljur will always have a special place sa buhay ko," sabi ni Kris. "Since StarStruck days namin, siya yung nag-treat sa akin ng special talaga. Pero kung ganyan siyang hindi niya ma-express nang husto ang gusto niya talaga, walang mangyayari sa amin. May mauuna talaga sa kanya. "Pero tandaan lang parati ni Aljur na mahal na mahal ko siya bilang kaibigan. If we can go beyond that, bakit hindi? Pero depende yun sa kanya at sa tunay na nararamdaman niya sa akin." ---- Philippine Entertainment Portal (PEP) Excited over all the buzz about this real-life love triangle? Talk about it at the iGMA forums! And if you're not yet registered, you can register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso Star through iGMA Live Chat! If you want to be the first to know about showbiz scoops, find out from the stars themselves! Feel the Fun with Fanatxt by texting KRIS, ALJUR or MARK to 4627! (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers.) You can catch these three hot teen stars weeknights on Zaido and Sundays on Boys Nxt Door.