
Ginulat ni Kapuso leading lady Sanya Lopez ang kanyang mga followers nang magbahagi siya ng isang litrato kung saan naka sporty attire siya.
Ang kakaiba nga lang dito, wala na ang mala-diyosang long hair niya!
Hindi naman naiwasan na mag-react ng kanyang former The Half Sisters co-star na si Barbie Forteza.
Tinutukoy ni Barbie ang isa sa kanyang Meant To Be leading men na si Jak Roberto—ang kapatid ni Sanya.
Kinumpirma naman ni Sanya na si Jak ang pinagkunan niya ng kanyang look.
Sang-ayon naman ang ilang mga netizens na mas nahalatang magkamukha nga ang magkapatid dahil sa short hair ni Sanya.
Nagulat man, marami pa rin ang nagandahan kay Sanya, gaano man kahaba o kaikli ang buhok nito.
Hindi naman idinetalye ng aktres kung para saan ang short hair look niya, ngunit nagsimula na ang taping ng bagong GMA Afternoon Prime series na pagbibidahan niya kasama sina Rocco Nacino, Thea Tolentino at Pancho Magno.
Photos by: @sanyalopez(IG)