
Humanga ang Kapamilya talent at reality TV show contestant na si Kisses Delavin sa pamilya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Sa Instagram post ng dalaga, last July 2 nagkuwento ito na sobra siyang na-starstruck sa mag-inang Marian at Baby Zia.
Nakakatuwa rin daw malaman kung gaano ka-humble ang Dantes family sa kabila ng kanilang kasikatan.
Saad ni Kisses, “Lovely meeting ate @marianrivera, kuya Dingdong & baby Z! Grabe, ate Marian looks like a goddess in person! Baby Zia is just as pretty, and was super sweet too! Love niya mag pout. Anddd! Kuya Dingdong took a photo of us. Hehe. Very humble & nice! What a beautiful family! That's why they are loved by many!”
LOOK: Kapuso and Kapamilya celebs spotted cartoon-themed café's opening
Nag-reply naman ang Kapuso Primetime Queen sa heartwarming post na ito ni Kisses.
Ayon sa panayam kay Marian noong Mayo, magsisimula na raw siya mag-taping para sa pagbabalik niya sa primetime.
WATCH: Marian Rivera, magsisimula nang mag-taping para sa kanyang primetime series