
Ngayong July 18, ipinakita ni Chef Boy Logro ang kanyang husay sa pagpapasarap ng isang Filipino staple food.
Sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network Center ay naghanda si Chef Boy ng kanyang sardines with pomelo and mango dressing recipe sa tulong ng kanyang bagong produktong ini-endorso.
"It's very simple ang ginawa ko para sa mga mommies, kung gusto nilang mag-imbento. Pamararaan ko ito na ika nga puwedeng gawin na bahay na madali."
Kasabay ng kanyang food demo ay pormal ring pumirma si Chef Boy bilang endorser ng Kim Cup Sardines kasama si Mr. Jaime Yap na President of Permex Producer and Exporter Corp.
Kuwento pa ni Chef Boy ay marami pang pinadali at masasarap na dishes siyang maibabahagi sa tulong ng kanyang programa na Idol sa Kusina. Aniya, "Lahat ng Pilipino, kung masipag ka lang, nanonood ka ng show ko, lahat naman ng technique itinuturo ko. Wala akong sikreto. 'Yan po ay taglay taglay ko na po sa aking buhay na kung ano ang ibinigay ng Panginoon na binigyan niya ako ng talino na although UE graduate ako, University of Experience, shini-share ko po sa kanila na Pilipino tayo, malikhain."