
Pagkatapos ng highly successful primetime series na Meant To Be, umalis si Ivan Dorschner papuntang Amerika noong nakaraang araw para magbakasyon at makasama ang kanyang pamilya. Excited na daw ang young Kapuso actor na makapagpahinga bago sumabak muli sa trabaho.
EXCLUSIVE: Ano ang susunod na project ng former 'Meant To Be' boys?
"Matulog nang mahaba. Makakasama ko naman 'yung mga kapatid ko na actually hindi ko sila nakikita nang matagal na. Mag-gym ako, may mga martial arts training, parkour classes," saad niya.
Inamin rin ni Ivan na nami-miss na niya ang mga kasama sa Meant To Be. "Nagdespedida kami kahapon, kami nina Barbie, Ken, Jak, Addy. Dumating na si Addy, bumalik na siya from India, so naka-attend na rin siya."
Narito ang buong report:
Video courtesy of GMA News