
Dinumog ng fans si Kapuso actor Alden Richards sa kanyang recent mall show. Tila hindi inasahan ang pagdagsa ng napakaraming fans sa nasabing event dahil nagmistulang zombie apocalypse ang pagkuyog ng mga humahanga sa Eat Bulaga Dabarkad.
Ilang netizens ang nakakuha ng actual video ng pagtakbo ni Alden sa kanyang wild na fans. Mapapanood sa videos ang napakaraming fans na gustong makalapit sa Pambansang Bae.
Marami ang natuwa sa galing ni Alden sa pag-iwas sa kanyang fans.
Ngunit mayroon ding nag-comment na nandidiri raw si Alden sa kanyang fans kaya't umiwas siya. Agad namang ipinagtanggol ng kanyang fans at ng mga naroon mismo sa mall si Alden.
Photos by: flo_renz13(IG)