
Ilang taon nang nasa poder ng talent manager na si Perry Lansigan ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. At bilang isa sa kanyang most prized talents ang aktor, hindi naiwasan ni Perry na maging sentimental sa kanyang birthday greeting kay Dong, na nagdidiwang ng kanyang kaarawan ngayong Miyerkules, August 2.
LOOK: Dingdong Dantes, sumalang na sa pictorial ng 'Alyas Robin Hood'
"Today is one of the most important days in my life. Dahil ngayon ang araw na ina-alala ng lahat at sya namang taus puso kong ipinagpapasalamat sa Diyos, dahil ibinigay ka nya sa amin! Hindi lang sa akin kundi sa aming lahat na nakakaranas ng kabutihan mo, ng mapagkumbaba mong kalooban, ng mapagbigay mong katangian at ng iyong pagmamahal," panimula ni Perry.
Dagdag pa niya, "You touched everyone's heart in one way or another. Your selflessness taught me the value of life. Mapalad kami at lalu na ako, na naging bahagi ng buhay mo. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa iyong tiwala at sa araw araw na ibinibigay mo sa aking pagkakataon para itama ang anumang pagkakamali ko. You taught me to love my imperfections and gave me the chance to correct my mistakes. I wish for a lifetime partnership with you. Walang iwanan! I wish and pray that you always succeed in any endeavor your take! I wish for us to travel more and celebrate life full of hope and love! Mahal kita alaga ko! Mahal na mahal ka ng PPL! Maligayang kaarawan @dongdantes"
Ang kapwa PPL artist ni Dingdong na si Gabby Eigenmann, may Instagram post din para sa birthday boy.
Samantala, naging simple naman ang birthday celebration ng pamilya Dantes ngayong araw. Makikita ito sa Instagram stories nina Dingdong at Marian.
Happy birthday, Dingdong!