
Habulin man ng babae ang asawa ni Chynna Ortaleza na si Kean Cipriano ay ibinahagi niyang hindi siya nagseselos kapag may mga girls na nagkaka-crush dito.
'Yan ang sinabi ni Chynna nang siya ay tinanong ng mga press sa ginanap na press conference para sa Idol sa Kusina. Pagsisimula ni Chynna, "Actually I really like when girls fuzz over him."
LOOK: Chynna Ortaleza is the new student on 'Idol sa Kusina'
Dagdag ni Chynna, natatawa raw siya kapag may mga girls na kinikilig sa kanyang asawa.
"I find it really funny na parang they fuzz over him. Tawang-tawa talaga ako feeling ko boy band 'yung asawa ko."
Nilinaw naman ng Kapuso star kung gaano kalaki ang kanyang tiwala sa relasyon nilang mag-asawa. Aniya, "Maybe because of ano na rin, the time that we met each other kasi I think tapos na kami doon sa pagiging teenager so parang for me I was pretty secured."
Ang kanilang friendship ang kanilang pundasyon kaya naman mas matatag ang relasyong nabuo nina Chynna at Kean.
"Kean and I more than anything we're not like just romantically involved. It wasn't that, that brought us together. We were friends more than anything. And we're able to share our art together so I'm pretty secure in the fact that we have that solid thing to fall back on more than just the romance and the love. I married my best friend."