What's Hot

Alessandra de Rossi, pumalag sa mga nagsasabi na dinoktor nila ang PHP 200 M na kita ng pelikulang 'Kita Kita'

By Aedrianne Acar
Published August 7, 2017 12:07 PM PHT
Updated August 7, 2017 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang pahayag ni Alex sa naturang isyu.

Binasag na ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi ang kaniyang katahimikan sa isyu na diumano’y may padding ang box office results ng pelikula nila ng comedian na si Empoy Marquez na Kita Kita.

 

KABAYAN 200 MILLION NA TAYO TODAY!! ?????? Mula sa Lahat ng bumubuo ng KITA KITA Maraming maraming salamat po sa inyong lahat Kabayan!! Maraming Salamat sa pagmamahal niyo sa Kita Kita! Maraming salamat na pinagkatiwala niyo sa KITA KITA ang 1hour and 30mins ng buhay niyo. Salamat sa lahat ng nag ingay, salamat sa lahat ng nag imbita na akala mo party niya, salamat sa mga comments and intense na essay niyo sa pelikulang ito na parang may reflection paper na ipapasa. Salamat dahil nag effort kayo. Salamat dahil sa pelikulang ito lahat tayo naging blogger/ movie reviewer. Intense kayo Kabayan! (Nababasa po namin ang lahat ng comments niyo. At sobrang taba ng puso namin dahil dito) Cheers pareng sapporo, Salamat sa puso, saging, at repolyo ???? higit sa lahat Salamat sa kuwento niyo Lea at Tonyo ?????? #KitaKita #alempoyfever #CertifiedMegaBlockbusterWeek

A post shared by Spring Films Inc. (@springfilmsinc) on


Ang naturang film ay instant hit sa mga Pinoy na produced ng Spring Films. Sikat ang mga producers sa likod ng pelikula na ito tulad nina Piolo Pacual at My Love From The Star director Joyce Bernal.

Sunod-sunod ang tweets ni Alessandra last week para ipagtanggol ang box office success ng Kita Kita.

 

 

Sa huli, dinaan na lang sa biro ng aktres ang mga batikos na ipinupukol sa kanilang movie.