MUST-SEE: Alden Richards at Glaiza de Castro, magpapasaya ng mga Kapuso abroad
Published August 13, 2017, 04:08 PM
Updated August 13, 2017, 04:22 PM
Lumipad na patungong abroad ang ating Kapuso stars na sina Alden Richards at Glaiza de Castro para magpasaya sa ating mga Kapuso abroad.
Balik sa Estados Unidos ang Pambansang Bae para sa "Fiesta Ko sa Texas 2017" sa Houston, Texas kung saan mainit siyang sinalubong ng ating mga kababayan pagdating pa lang niya sa airport.
Samantala, balik Vancouver, Canada naman ang Encantadia star para sa "Pinoy Fiesta: Unang Hirit sa Tag-init" bukas (August 14).
Bago umalis ang actress-singer kahapon (August 12), naabutan pa siya ng 24 Oras Weekend team at doon niya ibinahagi ang kanyang plano para sa show.