
Sinagot ng basketbolistang si James Yap ang mga bashers na may mga patutsada sa kanya tungkol sa panggagamit niya sa kanyang anak na si Bimby Yap sa pagbukas ng kanyang bagong bar.
Ilang netizens ang hindi nakatiis magbigayng komento sa basketball star patungkol sa paggamit diumano nito sa anak na si Bimby bilang publicity para sa pagbubukas ng kanyang bagong negosyo. Sa interview, ikinuwento niya sa publiko ang relasyon nilang mag-ama na talagang ikinagalit ng kanyang dating asawang si Kris Aquino.
Dinipensahan ni James ang kanyang sarili: “Kung wala itong word na #respeto sa tao, masasaktan ka.” Dagdag pa niya, “Effort? Ginawa ko na lahat iyan.”
Nang naitanong ang tungkol sa kanyang financial responsibility, matipid ang sagot ni James: “Kung ikaw ang nagbabayad ng tuition tapos biglang nilipat ng school ng hindi mo alam, matutuwa k aba?”