Showbiz News

WATCH: 'My Korean Jagiya' star Alexander Lee, pinagkaguluhan sa Davao

By Bea Rodriguez

May pusong Pinoy talaga ang dating K-Pop idol na si Alexander Lee. Kinanta ng My Korean Jagiya star ang isa sa mga hit songs ng The Black Eyed Peas member na si apl.de.ap, ang 'Bebot.' Ito ay tungkol sa buhay ng Filipino-American singer at inawit ito ni Alexander sa 32nd Kadayawan Festival ng ating Kapusong Davaoeños.

 

Dito nadiskubre ng Korean star ang kanyang hilig sa bagong prutas, “Sa sobrang enjoy [niya] sa durian, tinawag [niya] itong ‘My Durian Jagiya.’”

Mapapanood na sa GMA Telebabad ngayong Lunes (Agosto 21) ang witty actor sa Philippine-Korean TV series ng Kapuso network, ang My Korean Jagiya kasama ang Philippine TV sweetheart na si Heart Evangelista.