
Mula sa successful run ng GMA drama na Someone To Watch Over Me, tila magbabalik tambalan na naman sina Tom Rodriguez at Lovi Poe but this time sa isang movie na?
Ani Tom, intense at heavy drama ulit ang magiging tema ng kanilang upcoming film to be directed by Joel Lamangan.
Ika niya, "Kinakabahan na ako, nape-pressure. Siyempre it's with Direk Joel Lamangan, it's my first time working with him. [He's] such a great director."
Boxing naman ang ginagawang paghahanda ni Tom para maging ripped muli bago mag-taping.
Paliwanag niya, "Boxing kasi is my favorite way to lose weight. Kasi hindi ko nararamdaman na nagpapawis ka na. Kaysa 'pag tumatakbo ako na parang ang bagal ng oras. 'Pag nagba-boxing ako, usually nag-e-enjoy ako sobra."
Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News