
Sa report ni Cata Tibayan para sa 24 Oras, naikuwento ni Tom Rodriguez ang dream genre niya para sa susunod nilang project ng kanyang longtime girlfriend na si Carla Abellana.
Aniya, "Gusto ko, action. Hilig ko talaga ever since I was a kid, 'yun ang pinapanood ko, eh. Sila Lito Lapid, Robin Padilla, Philip Salvador, FPJ."
Nakapag-drama na si Tom at Carla noong sila ay nagkatambal sa My Husband's Lover back in 2013, at ang huling GMA drama naman nila na I Heart Davao ay puno ng kilig at comedy.
Nagpaunlak ng interview si Tom habang nasa isang charity bowling tournament hosted by Alice Dixson. Kasama sa mga pumunta sa nasabing event ang Someone To Watch Over Me co-star niyang si Edu Manzano at ang aktres na si Donita Rose.
Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:
???????Video courtesy of GMA News