
Sumabak sa isang Day Off challenge ang Wowowin host na si Donita Nose at isa sa mga sorpresa na kanyang natanggap ay isang regalo mula sa kanyang pamilya.
Sa episode ng GMA Public Affairs show, ibinigay kay Donita ang regalo na ipinapaabot ng kanyang ina. "Pinapabigay ni Mama kasi nung bata ka pa raw, 'di niya maibigay 'to dahil wala siyang pambili 'tsaka ayaw ni Papa," saad ng kanyang nakababatang kapatid.
Ano kaya ang regalong ito na nagpaluha kay Donita? Panoorin ang video:
Video courtesy of GMA Public Affairs