
Sa nakalipas na kasalang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na dinaluhan ng naglalakihang pangalan sa showbiz at who's who sa political at medical society, napakaraming personalidad ang nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala at magkita for the first time.
Isa na dito sina Baby Zia, anak ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at Baby Archie, anak ng 'It Girl' na si Georgina Wilson at ng asawang nitong si Arthur Burnand na isang businessman.
Nakunan ng eventologist na si Tim Yap ang naging pagkikita ng dalawang baby royalties. Silipin ang sobrang cute moment na ito.