
May perpektong sagot si Asia’s Fantasy Kim Domingo sa mga namba-bash sa kanya at nagsasabing, “Wala kang talent, wala kang utak, puro ka boobs!”
Inamin ng sexy actress na may nasagot na siyang hater, “Ang comment niya sa akin [ay] ‘Boobs ang puhunan’ so sinagot ko siya nang pabiro, ‘At least may puhunan, milyon na nga kinita!’”
Tameme raw ang kanyang basher.
Sinagot din ni Kim ang isyu tungkol sa kanyang mga fake friends, “Simula dati, may mga friends na ako na mga babae pero ang problema kasi, hindi maiwasan na may inggit, mai-insecure sa iyo, iba-back stab ka, mga ahasan.”
Dahil doon ay kaunti lang ang itinuturing niyang mga kaibigan, “Totoo naman iyon [at] hindi ko naman dine-deny na kaunti talaga tapos karamihan puro lalaki pa. Mas malapit po ako sa lalaki, mas magaan po ang loob ko kasi ang best friend ko po ngayon [ay] tunay na lalaki po talaga since high school po ito.”