
Kinasal na ang aktor at Manila City councilor na si Robert Ortega sa kanyang longtime partner na si Charry Reyes on Friday, September 15. Kabilang sa kanilang principal sponsors ay sina Manila Mayor Joseph Estrada, broadcaster Rey Langit at kolumnistang si Lolit Solis na talent manager din ni Robert.
Ginanap ang kanilang kasal sa Casino Español de Manila, kung saan nagsilbing flower girl ang kanilang anak na si Orbella.
Nakilala si Robert bilang miyembro ng Friday group ng youth-oriented show noong '80s to '90s na That's Entertainment ni Kuya Germs.
Congratulations, Robert and Charry!