What's Hot

MUST-READ: Kim Domingo, titigil na nga ba sa pagpapa-sexy?

By Al Kendrick Noguera
Published September 20, 2017 5:20 PM PHT
Updated September 20, 2017 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Julius Randle, Timberwolves ease to victory over Suns
Hindi pa umuuwing mister, hinihintay pa rin ni misis | Barangay Love Stories
Marian Rivera's ivory and black pumps are fresh from the runway

Article Inside Page


Showbiz News



Nagulat ang marami nang mag-post si Kim ng isang statement patungkol sa kanyang showbiz career.

Nakilala sa industriya si Kapuso star Kim Domingo sa kanyang sexy image at paunti-unti ay pinasok na rin niya pagkanta at pag-arte. Sa katunayan, kabilang siya ngayon sa cast ng Super Ma'am, ang comeback teleserye ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Ngayong unang linggo pa lamang ng Super Ma'am, isang statement ang ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram patungkol sa kanyang showbiz career.

 

?????? #walangmasamamangarap #someday #godisgood ????????????????????????

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on

 

"Unti-unti ko nang tinatanggal ang pagpapa-sexy. Magpapa-sexy ako pero hindi na kagaya ng dati kong ginagawa. Gusto ko ng makatawid sa pagiging ganap na aktres. At ang goal ko naman talaga ay makakuha ng acting award at kung paano ako tatagal sa industriya," saad ni Kim.

Umani naman ng magagandang comments ang pahayag na ito ni Kim at ang ilan ay nagpakita ng kanilang suporta sa desisyon ng Super Ma'am star.