
As announced sa official Instagram account ng GMA Artist Center, biktima ng hacking ang Twitter account ng Wowowin at Super Ma'am actress na si Ash Ortega.
Wala kinalaman ang aktres sa mga tweets sa kanyang Twitter account na @imashortega, kabilang dito ang planong paglipat ng Kapuso star sa ibang estasyon, at ang pag-mention ng aktres sa aktor na si Juancho Trivino.