
Sumailalim sa lie detector test ang ating mga lola sa Kalye-serye ng Eat Bulaga na sina Lola Nidora, Lola Tidora at Lola Tinidora.
Puro katotohanan ba ang lumabas sa mga sagot ng ating mga lola sa kanilang programang The Lola’s Beautiful Show?
“Kami ang magpapa-good mood [at] kami ang magpapaalala [na dapat] every morning, kailangan maganda,” saad ni Lola Nidora sa ating mga ka-Unang Hirit habang pinapakita sa atin ang kanilang magandang bahay.
Tunghayan ang ating Kapuso comedians na Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros sa kanilang pinagbibidahang show araw-araw ng 11:30 a.m., bago mag-Eat Bulaga.