
Inspirasyon ang turing kay Maine Mendoza nina Maymay Entrata at Kisses Delavin.
Nakasama sa isang proyekto ng phenomenal Kapuso star ang dalawang batang Kapamilya actresses, at dito ay puro paghanga lang ang nasabi nina Maymay at Kisses tungkol kay Maine.
“Sa wakas! Nakapagpasalamat na po ako sa inyo. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nagka-twitter si Mama ko. Maraming OFW ang pinasaya mo kasali na si mama dun. Kaya di ko na pinalampas ang araw na ‘to dahil kami hindi lang naging baliw sa’yo kundi naging inspirasyon ka din sa aming lahat. We love you po Ms. Yaya Dub,” mensahe ni Maymay kay Maine.
“So… I just met @mainedcm. Yep, I might be smiling but inside, I’m screaming! Woah grabee!!! Have nothing but beautiful words about this girl. Didn’t expect her to be so kind! I admire her before, but now I admire her so much more when I met her up close. I so love people who are still so humble and approachable despite the success! I’m an instant fan of hers,” pahayag naman ni Kisses.
Ikinatuwa rin ni Maine na makasama ang dalawa at ang kanilang love team partners na sina Edward Barber at Marco Gallo. Hindi rin naiwasang magbiro ng Eat Bulaga star sa kanyang ibinahaging litrato.
Aniya, “Met these cuties at shoot today! Sobrang nakakatuwa sila pero grabe nagmukha nila akong tita.”
Met these cuties at shoot today! Sobrang nakakatuwa sila pero grabe nagmukha nila akong tita. #titagoals #TitaMeng
Posted by Maine Mendoza on Tuesday, October 3, 2017