
Dahil sa kanilang matatagumpay na film projects noong nakaraang taon, kinilala sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado sa 7th EdukCircle Awards.
Napabilang si Dingdong sa 5 Most Influential Film Actors of the Year. Matatandaang bumida siya sa pelikulang The Unmarried Wife noong nakaraaang taon.
Kasama naman sa 5 Most Influential Film Actresses of the Year si Jennylyn na tampok sa 2016 movie Just the Three Of Us.
Ginanap ang 7th EdukCircle Awards sa AFP Theater ngayong araw, October 7. Ito ay taunang parangal kung saan binibigayan ng recognisyon ang mga taong nagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa larangan ng musika, pelikula at telebisyon.