
Very hands-on si Kapuso beauty Gabbi Garcia sa kanyang upcoming music video. Siya na rin kasi mismo ang nagsilbing creative director nito.
Hong Kong ang napili niyang location para sa shoot para maipakita ang kanyang hilig sa fashion at travel.
Bukod dito, si Gabbi rin ang mismong nagsulat at nag-produce ng kanta na inilarawan niya na may RnB at urban sound.
"Tungkol siya sa actually finding yourself and self-worth and respect," pahayag niya.
Panoorin ang feature tungkol sa bagong kanta at music video ni Gabbi mula sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News