
First love talaga ni Kapuso cutie Migo Adecer ang pagkanta kaya masaya siyang mapabilang sa mga unang performers sa Spotlight Music Sessions.
Sa unang labas niya sa online music program sa October 24, isang cover ng "7 Years" ng Danish band na Lukas Graham ang ipe-perform ni Migo.
Sa October 27 naman, maaaring asahan ang cover niya ng "Riptide" ni Vance Joy, isang Australian singer-songwriter.
Abangan si Migo sa Spotlight Music Sessions sa October 24 at 27.