Showbiz News

WATCH: Ken Chan, inspired nang i-record ang theme song ng KenBie movie

By Gia Allana Soriano

Happy and inspired si Ken Chan sa upcoming film nila ng kanyang former Meant To Be co-star na si Barbie Forteza, ang This Time I'll Be Sweeter. Leading lady ulit ni Ken si Barbie sa nasabing pelikula.

 

Kuwento ni Ken, "Hindi ako makapaniwala... parang na-a-amaze [ako] na nakagawa ako ng movie. Dati pangarap ko lang magkaroon ng pelikula with Barbie. Naging director pa namin si Direk Joel Lamangan. Sobrang blessed [ako]."

Si Ken din ang kumanta ng theme song ng pelikula at sobrang grateful ang Kapuso star dahil sa support na natatanggap ng KenBie movie.

 

Bahagi ni Ken sa interview ni Cata Tibayan sa 24 Oras, "Habang papalapit nang papalapit 'yung araw ng showing namin, nakakalakas ng loob kasi talagang nararamdaman namin 'yung supporta ng mga tao sa amin."

 

Showing na ngayong November 8 ang This Time I'll Be Sweeter!

Panoorin ang full report ng 24 Oras.