
Proud mommy si Comedy Queen Aiai Delas Alas sa kanyang anak na si Sophia Delas Alas.
Sa Instagram post ng Kapuso comedienne, sinabihan niya ang kaniyang 21 years-old daughter na puwede siyang pumasok sa showbiz, dahil bukod sa angking ganda nito ay may talent pa siya.
Saad ni Aiai, “Ganda ng anak ko .. hahaa (love your own ).. mag artista ka na nak tutal d ka naman nasasaktan sa mga bashers mo haha .. nice start yun .. may talent ka naman ...iba nga nag paretoke lang artista na @sophdelasalas”
Natawa naman nang mag-reply si Sophia sa suhestiyon ng kanyang mommy.
Kung babasahin ang comments section ng Instagram post ni Aiai patungkol sa kaniyang anak, mapapansin naman ang ginawang pagtatanggol nito sa Eat Bulaga host na si Patricia Tumulak mula sa kanyang basher.
Kahit si Sophia ay naki-usap na itigil ng naturang netizen ang pagbitaw ng masasakit na salita laban sa noontime host.