What's Hot

Bakit hindi nililigawan ni Ken Chan ang mga nagiging leading lady niya?

By Gia Allana Soriano
Published October 18, 2017 6:19 AM PHT
Updated October 18, 2017 9:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Show cause order issued vs vehicle owner, driver in gun toting incident in CDO
Calamities that hit Western Visayas, NegOcc in 2025
Catriona Gray calls for donations for NGO to celebrate her birthday

Article Inside Page


Showbiz News



Gusto nga bang ihiwalay ni Ken Chan ang kaniyang personal at work life?

Sa press conference for This Time I'll Be Sweeter, sinabi ni Ken Chan na mas pinipili niyang maging kaibigan ang kanyang mga nakaka-love team, at kahit ang mga ka-close niya sa showbiz. Ito raw ay dahil mas gusto niyang ihiwalay ang kanyang work life at personal life. 

 

And that’s a wrap! Thank you for joining us at the #TTIBSGrandPresscon and don’t forget to catch the story of Tristan and Erika on This Time I’ll Be Sweeter, which premieres on November 8!

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on


Kuwento niya, "Kasi kapag pinasok mo 'yung isang relasyon, kunwari maging mag-on kayo, or naging to the next level na ang relationship n'yo, puwedeng bumagsak 'yun, eh once mag-away kayong dalawa. After nun, kapag naging mag-boyfriend-girlfriend kayo, tapos nag-away kayo, wala na, hindi na kayo magpapansinan. Malaking posibilidad na [mangyari] 'yun. Unlike kung friends kayo, laging nandiyan, and doon may forever."

Paliwanag niya, "Kasi mas gusto ko, pagdating sa showbiz, iba 'yung personal sa showbiz. Pagdating sa showbiz, 'yung mga katrabaho ko, gusto ko sobrang maging close ko bilang kaibigan. Kasi ayokong masira 'yung relationship ko sa kanila. So, kung mag-girlfriend ako, outside showbiz. So, hinihiwalay ko 'yun." 

Abangan si Ken Chan bilang Tristan at Barbie Forteza bilang Erika sa This Time I'll Be Sweeter ngayong November 8 na!