What's Hot

WATCH: Former Sexbomb Girls manager Joy Cancio, umaming nalulong sa sugal kaya nawala sa showbiz

By Marah Ruiz
Published October 24, 2017 11:50 AM PHT
Updated October 24, 2017 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang paglalahad ni Joy Cancio ng kanyang istorya sa 'Kapuso Mo Jessica Soho.'

Isa ang sugal sa mga rason kung bakit hindi na aktibo sa mundo ng showbiz ang former Sexbomb Girls manager at dancer-choreographer na si Joy Cancio.

Nalulong daw kasi siya sa paglalaro ng slot machines sa casino. Aminado siya na ginamit niya ito bilang pangpuno sa kakulangan nararamdaan niya noon. 

"Feeling ko noong nandoon ako, ang saya-saya. Ang isip ko pa noon 'pag talo, pera lang 'yun. Masipag naman ako. Kikitain ko 'yan," bahagi niya. 

Naapektuhan na rin ng pagsusugal ang kanyang trabaho. 

"Imagine mo, may time na hindi na ko natutulog. Diretso na ko sa Eat Bulaga. Maya-maya nagpa-palpitate na' yung puso ko pero kailangan gising ka dahil I have to work," kuwento niya. 

Lalo pang lumala ang kanyang pagsusugal dahil sa mga iba't-ibang kabiguan, kasama na ang propesyonal na mga problema. 

"Nagkaroon ng addiction kasi nanalo [sa sugal] pero eventually mas malaki pala 'yung natatalo, hanggang napunta na ko doon sa umuutang na sa financer," pagpapatuloy niya. 

Umabot na rin sa punto na nagdulot na rin ito ng problema sa kanyang pamilya. 

"My kids hate me for gambling. Hindi na maganda 'yung pinupuntahan noong blessing ni God, 'yung earnings namin," aniya. 

Nakaranas ng depresyon ni Joy at dahil dito, pinagtangkaan pa niyang tapusin ang kanyang buhay. Nag-overdose siya ng pampatulog na iniinom niya.

"Noong nararamdaman ko na 'yung hindi na ko makahinga, natakot ako. Sabi ko, 'Lord forgive me for what I have done. Hindi ko sinasadya.' I asked my son to bring me to the hospital. From then, I kept on praying. 'Lord, give me a chance. I promise, 'pag nabuhay ako I will sing more about you. I will obey your words,'" naluluhang pahayag ni Joy. 

Dahil nabiyayaan siya ng pangalawang pagkakataon, naging aktibo din siya sa kanyang church. Bukod dito, nagtatrabaho na siyang muli bilang isang licensed Zumba instructor.  

Panoorin ang feature tungkol kay Joy Cancio sa Kapuso Mo, Jessica Soho. 

Video from GMA Public Affairs