
Dreams do come true!
Ganito marahil maisasalarawan ng AlDub superstar na si Maine Mendoza ang kanyang nararamdaman ngayon matapos matupad ang kaniyang pangarap na makapag sulat ng sariling libro.
Dinagsa ng libo-libong fans ang book launch ng ‘Yup, I Am That Girl’ niya ngayong Huwebes ng gabi sa TriNoma mall, Quezon City.
Makikitang maluha-luha si Maine nang magbigay ng mensahe sa harap ng mga supporters niya na matiyagang pumila para makabili lang ng libro niya.
Ani Maine, “Thank you, maraming salamat, wala akong masabi as in hindi ko in-expect na ganito…Nakakakilabot, alam niyo ba dati naglalakad lang ako dito, tapos tinitingnan ko kung sino ‘yung nasa activity center tapos ngayon ako na ‘yung nandito.”
Sa panayam naman ng mga entertainment press bago magsimula ang event, ipinaliwanag ng Eat Bulaga host ang dahilan kung bakit niya naisipan sumulat ng libro.
Paliwanag nito, “Feeling ko lang po mas okay na bukod pa sa blog, bukod sa online makapaggawa po ako ng published work talaga. Since hindi naman po lahat updated, so hindi naman po lahat may access online. So, at least ito mabibili nila sa bookstores, madadala nila anywhere.”
“So dito no pretensions, in-open ko talaga ‘yung puso ko para sa mga tao.”
Nagbigay pahayag din si Maine Mendoza patungkol sa pagbabalik Twitter niya matapos ang ilang buwan.
#QueenIsBack: Maine Mendoza returns to Twitter
Nararamdaman daw niya na ito ang ‘tamang panahon’ para maka-chikahan at maka-interact ang mga pinakamamahal niyang mga fans.
“Feeling ko po ito na ‘yung tamang panahon para bumalik sa Twitter, after nung ADN fest. Eh kasi sobrang na-appreciate ko ‘yung suporta, ‘yung pagmamahal po nila sa AlDub Nation fest. Siyempre nami-miss ko din naman sila, na-miss ko rin makipag-interact with our fans.”