What's Hot

Saan kumuha ng hugot sina Ken Chan at Barbie Forteza para sa 'This Time I'll Be Sweeter?'

By Gia Allana Soriano
Published November 4, 2017 12:34 PM PHT
Updated November 4, 2017 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Barbie, nakatulong ang past experiences niya. Paano kaya? Alamin!  

Naikuwento nina Ken Chan at Barbie Forteza sa blogcon para sa kanilang upcoming movie titled 'This Time I'll Be Sweeter' kung saan sila nakakakuha ng hugot para sa mga karakter nila.

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on

 

Ani ni Barbie, kasama na dito ang mga past heartbreaks niya. Ika niya, "Yun naman din ang magandang naidulot ng past experiences. Na-incorporate ko sila sa trabaho ko."

Si Ken naman daw ay hindi talaga kumuha ng hugot sa kanyang true to life experiences. Ika niya, "Wala, ako 'yung lagi nasasaktan. Totoo yun."

Pa-joke naman niya sinabi, "Hindi, sige, binabawi ko na," pagkatapos siyang tanungin kung ang mga babae ba ang nanloko sa kanya.

Paliwanag naman ni Ken, "Hindi, hindi, kasi most of the time talaga ako 'yung laging good boy. Good boy kasi ako, hindi ako 'yung nangiiwan talaga. Kung ayaw na, ako na lang ang iwan."

Sobrang baliktan naman daw talaga ang way nila ni Tristan, ang kanyang karakter, kung magmahal. Kuwento niya, "Oo nga eh. Ako kasi dito sa movie 'yung character ni Tristan ilang beses na nanloko ng babae. Hindi niya kayang panindigan kapag na-in-love siya, hindi na niya kaya panindigan 'yung love na ibinibigay niya kaya na mi-misinterpret ng mga babae. So, ganun siya. Pero sa totoong buhay kasi hindi ako ganun mas nakaka-relate ako sa character ni Erika na ilang beses na niloko."

Abangan ang 'This Time I'll Be Sweeter' sa Philippine cinema this November 8 na!