
Hindi madali, pero unti-unti nang natatanggap ng nag-iisang anak ni Isabel Granada na si Hubert Thomas Jericho Aguas ang pagkamatay ng kaniyang ina.
IN PHOTOS: The beautiful life of Isabel Granada
Anak ni Isabel si Hubert sa dating asawa na si Jericho Aguas.
Sa panayam ng 24 Oras sa binata, naglabas ito ng kaniyang saloobin sa dagok na hinaharap ng kanilang pamilya.
Saad ni Hubert, “Medyo tinatanggap ko na po ‘yung sitwasyon, marami na lang po salamat sa lahat po nagsu-suporta.”
Nagpaabot din ito ng taos puso nitong pasasalamat sa lahat ng mga taong nagdasal para sa kaniyang Mommy Isabel.
Aniya, “Sa inyo po kami kumukuha ng lakas, salamat sa lahat ng nagda-dasal.”
Para naman kay Jericho Aguas, sa kabila ng sakit na dala ng pagpanaw ng dating asawa, iniisip na lamang nito na nasa mabuting lagay na si Isabel.
“Ulit-ulit po naming pinararating kay Isabel na lahat po ay nagmamahal po sa kaniya at alam naman po namin na siya ay nasa magandang kalagayan na po ngayon.”
Sa darating na November 9 (Huwebes) nakatakdang dumating ang si Isabel sa Pilipinas at plano daw ng pamilya nito na ipa-cremate ang labi ng aktres.
Hindi naman masabi ni Jericho kung magkakaroon ang mga tao ng pagkakataon na ma-view pa ang labi ng actress/singer.
Paliwanag nito, “Ang plano kasi ni mama ay ipa-cremate sana po puwede pang i-view, kasi as of last night medyo nagde-deteriorate na daw po kasi ‘yung physical body po.”
Taos puso naman ang pasasalamat ni Hubert Thomas para sa pinakamamahal niyang ina para sa lahat nang ginawa nito para sa kaniya.
Ani Hubert, “Salamat sa lahat ng ginawa mo bilang isang ina. Hinding-hindi kita makakalimutan, mahal na mahal ka naming lahat.”