
Super excited si Thea Tolentino sa kanyang big screen debut via 'This Time I'll Be Sweeter.' Aniya, "Sobrang excited kasi first time ko lang din makikita sarili ko sa big screen. Sila Barbie [Forteza] nakikita ko na."
Pa-joke namang sinabi ni Barbie, "Bata pa lang ako Thea Tolentino ka na."
Sa pelikula ay magiging magkaribal muli si Barbie at Thea. Si Barbie ay in love sa karakter ni Ken Chan na si Tristan, samantalang si Thea naman ang fiance ng binata.
"In demand young villainess" kung tawagin si Thea. Natutuwa naman si Thea sa pagtangkilik sa kanya bilang isa sa mga primera-kontrabida.
Aniya, "Ang dami ko nang nasabunutan, ngayon mangkukulam ako, ano kaya ang susunod? Mananagal na?"
Abangan si Thea Tolentino bilang si Kimberly sa 'This Time I'll Be Sweeter,' ngayong November 8 in cinemas nationwide!