What's Hot

WATCH: Marian Rivera to Kim Domingo on doing fight scenes: "Kaya mo 'yan!" 

By Bea Rodriguez
Published November 8, 2017 6:08 PM PHT
Updated November 8, 2017 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fallen pine tree causes traffic jam, power outage in Baguio City
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Normal lang raw ayon sa Primetime Queen na hindi agad masanay sa paggawa ng fight scenes. 

Madalas man magsagupaan sina Super Ma’am at Avenir sa TV, malapit naman sa isa’t isa ang mga gumaganap sa mga karakter na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Asia’s Fantasy Kim Domingo.

 

Wag kalimutan manood mamaya ng #SuperMaam ! After 24 oras ???????????? #supermaamunanglaban ????????

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on

 

Kahit napatumba na ni Avenir si Super Ma’am, aminado si Kim na hindi siya sanay sa mga fight scenes at si Marian pa raw ang gumagabay sa kanya.
 
“Pinapalakas niya ‘yung loob ko kasi nawawalan ako ng pag-asa, lalo noong unang fight scene namin. ‘Kaya mo ‘yan!’ sabi niya, ‘Ganyan talaga kapag sa umpisa pero ‘pag matagal na, makakasanayan mo na ‘yan,’” kwento ng Kim sa report ni Cata Tibayan sa Balitanghali.
 
Kitang-kita sa katawan ni Asia’s Fantasy na bahagi na ng lifestyle ang pag-eehersisyo upang mapanatili ang kanyang seksing pangangatawan at ang pag-eensayo upang paghusayan pa ang pagganap sa kanyang karakter.
 
Bahagi niya, “Kakakatakbo ko din at kaka-cardio kaya nagto-tone ‘yung mga muscles [ko].”