
Pagkatapos ng dalawang taon ay balik na sa on-stage performance ang Kapuso singer na si Aicelle Santos.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Balitanghali, ang Awit na Aicelle concert ay gaganapin ngayong November 24 sa Music Museum.
Pahayag ni Aicelle ay kakantahin niya ang ilang original songs at ilang musika na nagsilbing inspirasyon sa kanyang music career.
"There will be original songs. Music that has influenced me throughout the years," saad niya.
Makakasama ni Aicelle ang The Company, Myke Salomon, Bullet Dumas, Quest at si Gary Valenciano.