
Umani ng mga negatibong reaksyon ang post ng former beauty queen na si Maria Isabel Lopez sa social media kung saan dumaan ang aktres sa ASEAN lane kahit ito ay pinagbabawal.
Aminado naman si Isabel sa kanyang kasalanan, nagpaliwanag din si Lopez sa isang interview sa 24 Oras Weekend. Aniya, "Aminado naman ako na pasaway talaga ako. Hindi naman ako nagmalinis. Although alam ko naman maraming nagalit, naging insensitive sila. Pero as human nature, talagang nature rin naman ng tao to survive, and hindi lang naman ako ang dami namin."
Dagdag pa niya, "I become a second class citizen in my country dahil nga sa pagbibigay natin sa mga ASEAN members na ito."
Nire-rekomenda naman ng LTFRB at MMDA na i-suspend o i-cancel ang lisensya ni Isabel. Ika ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, "Mag-re-recommend na po tayo sa LTO if pwede hong i-suspend or i-cancel na po ang lisensya ni Ms. Lopez."
Ito raw ay dahil labis na delikado ang ginawa ni Isabel. Paliwanag ni DILG OIC Catalino Cuy, "It can halt and derail traffic management and may put at risk both the summit delegates and the traffic violators themselves."
Dagdag naman ni Chief MMDA ASEAN Task Force Emmanuel Miro, "What if kung napagkamalan siya ng mga security personel natin yun, if it pose danger. And nung binuksan niya, maraming sumunod. At the same time, pati sa kanya mismo delikado."
Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras Weekend:
Video from GMA News