What's Hot

WATCH: Kylie Padilla, naiyak nang magkita ang amang si Robin Padilla at si Baby Alas

Published November 19, 2017 1:57 PM PHT
Updated November 19, 2017 2:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Batangas court issues another arrest warrant vs. Atong Ang
BTS's comeback album is titled 'Arirang'
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH

Article Inside Page


Showbiz News



Nangyari na rin sa wakas ang pinaka hihintay ni Kylie, ang magkita at magkakilala ang mag-lolo. 

Isang emosyonal na eksena ang naganap sa first birthday ng anak ni Robin at Mariel Padilla na si Isabelle last Saturday (November 18) sa The Blue Leaf (Taguig City). Nangyari na rin kasi sa wakas ang pinaka hihintay ni Kylie Padilla, ang magkita at magkakilala ang anak nyang si Baby Alas at ang lolo nitong si Robin. 

 

Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha !!! Walang pinakamasaya sa isang lolo kundi ang mayakap at mabuhat ang isa sa unang apo Allah hu Akbar napakasarap iparinig sa kanyang tenga ang Adhan/ call to prayer bilang unang pamana sa kanyang napakamusmos at matalas na pandinig. Maraming salamat sa iyo mahal kong anak na @kylienicolepadilla sa pagdala kay ALAS sa akin Alhamdulillah ganon din sa iyo @marieltpadilla wala ng hihigit pang kaligayahan sa araw na ito. Pagpupugay sa lahat ng mga kumilos para maging matagumpay ang pagkikita na ito @vidanes_cm @kayegarcia13 .... we miss you @queeniepadillarevert

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

 

Sa video, makikitang excited na kinarga ni Robin ang kanyang apo, habang si Kylie naman ay naluha habang pinapanood ang kanyang ama at anak. 

"Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha !!! Walang pinakamasaya sa isang lolo kundi ang mayakap at mabuhat ang isa sa unang apo" ayon sa caption ni Robin Padilla. 

Nagpasalamat din ang aktor kay Kylie at sa misis niyang si Mariel sa pagkakataong ito.

"Maraming salamat sa iyo mahal kong anak na @kylienicolepadilla sa pagdala kay ALAS sa akin Alhamdulillah ganon din sa iyo @marieltpadilla wala ng hihigit pang kaligayahan sa araw na ito. Pagpupugay sa lahat ng mga kumilos para maging matagumpay ang pagkikita na ito."