What's Hot

WATCH: JoWaPao sa 'Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies,' showing na!

By Bea Rodriguez
Published November 22, 2017 12:20 PM PHT
Updated November 22, 2017 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Takbo na sa sinehan at makitawa, makipagbakbakan at makiiyak sa 'Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies.'

Showing na simula ngayong araw (November 22) ang horror-comedy film na Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies kung saan bida ang Eat Bulaga Kalyeserye lolas na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo).
 
Action-packed ang pelikula na ang layunin ay matakasan ang mga zombies. Ayon kay Lola Nidora, “'Yun ang laman ng movie. Kung paano kami naging aligaga, ‘yung action, ‘yung pakikipaglaban, ‘yung takbuhan [at] habulan.”
 
Ayon naman kay Lola Tidora ay parang playground ang set ng kanilang pelikula, “Masaya! Marami kaming locations na pinuntahan tapos marami din kaming mga kasamang bagets kaya feeling namin, mga bagets din kami.”
 
Samantala, aminado rin ang mga lola na hindi naging madali ang pagkuha ng pelikula. Kuwento ni Lola Tinidora, “Mahirap kasi maghapon kami nagshu-shooting. Mag-start kami ng umaga, naka-makeup na pero kailangan namin gawin para mas mapaganda pa namin ‘yung pelikula.”
 
Takbo na sa sinehan at makitawa, makipagbakbakan at makiiyak sa Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies.

Video courtesy of GMA News