
Isang tropeyo na naman ang maidaragdag ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho.
Hinirang kasi ang GMA anchor bilang News Personality of the Year sa Gawad Excellentia Awards 2017 ng St. Dominic College of Asia.
Partikular na kinilala ang kanyang trabaho para sa nightly news program na State of the Nation with Jessica Soho.
Ginanap ang gabi ng parangal ng 2nd Gawad Excellentia Awards ngayong November 27, 2017 sa St. Dominic Complex, Bacoor, Cavite.