What's Hot

AlDub, DongYan at iba pang Kapuso stars at shows, pinarangalan ng 2017 Anak TV Awards

By Marah Ruiz
Published December 8, 2017 12:00 PM PHT
Updated December 8, 2017 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News



Humakot ng mga parangal ang Kapuso stars at shows sa ginanap na 2017 Anak TV Awards ngayong December 8.

Taon-taong ginaganap ang Anak TV Awards na nagbibigay pugay sa mga programa at mga personalidad na itinuring na kid-friendly o wasto para sa mga bata.

Ilang mga Kapuso shows ang nakatanggap ng Anak TV Seal - pruwebang ang mga tema at eksena sa palabas ay angkop para sa mga bata. 

Kabilang dito ang GMA shows na 24 Oras, 24 Oras Weekend, Aha!, Born To Be Wild, iBilib, Idol sa Kusina, Kapuso Mo, Jessica Soho, Pinoy MD, Unang Hirit, Wish Ko Lang at I-Witness.

Hindi naman nagpahuli ang GMA News TV na nakatanggap din ng Anak TV Seal para sa Ang Pinaka, Biyahe Ni Drew, Brigada, Day Off, Good News, I Juander, Investigative Documentaries, News To Go, Pop Talk, Quick Response Team, Reel Time at Wagas. 
                
Pinarangalan din ng Anak TV Seal ang GMA Regional shows na Balitang Amianan at Balitang Bisdak pati na ang special coverages ng Kapuso Panagbenga Festival at Pit Senyor Kapuso. 

Pasok naman bilang Hall of Famers sina Arnold Clavio, Vicky Morales at Vic Sotto. 

 

A post shared by Team Marian (@theteammarian) on

 

Hinirang naman na Male Makabata Stars sina Dingdong Dantes, Alden Richards, Atom Araullo at Drew Arellano. Sina Marian Rivera, Maine Mendoza, Gloria Romero at Kara David naman ang mga Female Makabata Stars. 

Napili naman bilang Household Favorite TV Programs ang 24 Oras, Eat Bulaga, Kapuso Mo, Jessica Soho at Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento. 

Ginanap ang gabi ng parangal ng Anak TV Awards ngayong December 8, sa Soka Gakkai Building, Timog Avenue, Quezon City.