
Ilang araw na lang ay magaganap na ang pag-iisang dibdib nina Max Collins at Pancho Magno.
READ: Pancho Magno shares details of upcoming wedding with fiancée Max Collins
Gaganapin ito sa December 11 sa Marriott Hotel sa Pasay City. Ang kaibigan ni Max Collins na si Andrea Torres ang magsisilbing Maid of Honor.
Sa eksklusibong panayam, sinabi ni Andrea na wife-material at mature kung mag-isip ang kaibigan nitong si Max. Masaya ito para sa kanya at kay Pancho lalo na’t tiwala siya na magiging sentro ng kanilang relasyon ang Panginoon.
Aniya, “I can see naman talaga na wife-material siya and ready na siya kasi mature siya e. Actually, kahit ako nagulat ako n’ung naging close kami, mas bata pa pala siya sa ’kin. Kasi nafe-feel ko na mas matanda siya sa ugali. So, [I’m] very happy for her and [for] Pancho, siyempre friend ko din si Pancho. Ang maganda sa kanila, sobrang close nila kay God. Confident naman ako guided ‘yung relationship nila.”
Si Andrea na lang ang natitirang single sa magkakaibigan. Naunang ikinasal ang kanyang kaibigan na si Rochelle Pangilinan kay Arthur Solinap nitong Agosto 2017. Pero naniniwala naman siyang darating din ang tamang lalaki para sa kanya sa tamang panahon.
READ: Rochelle Pangilinan marries Arthur Solinap in star-studded wedding
Matapos ang second book ng Alyas Robin Hood, busy naman ang aktres sa pagpo-promote ng pelikula niyang Meant To Beh na kabilang sa Metro Manila Film Festival ngayong 2017.
READ: ‘Meant To Beh,’ may aral tungkol sa pamilya in a ‘seriously funny’ way