What's Hot

GMA Heart of Asia presents an inspiring Koreanovela this December, 'The Romantic Doctor'

By Gia Allana Soriano
Published December 13, 2017 4:03 PM PHT
Updated December 13, 2017 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang nakakaantig-damdamin na Korean drama na 'The Romantic Doctor' ngayong December 25 na sa GMA.

Inihahandog ng GMA Heart of Asia ang isang Korean drama na magbibigay inspirasyon at magpapalambot sa inyong mga puso sa pagdating ni Romantic Doctor Teacher Kim ngayong holiday season.

Si Teacher Kim (Han Suk Kyu) ay isang sikat na doctor dahil sa kanyang angking galing at talento bilang isang surgeon na may triple-board certified sa general surgery, cardiac surgery at neurosurgery. Ngunit dahil sa isang insidente, ang dating top doctor sa Seoul ay kinailangang lumipat sa Doldam Hospital, isang maliit na ospital sa Gangwon Province. 

Dito ay magbabagong buhay si Teacher Kim. Magiging apprentice din niya sina Marcus (Yoo Yeon Seok) at Abby (Seo Hyun Jin). 

Si Marcus ay nakilala ni Teacher Kim noong bata pa ito, nagpatiwakal si Marcus dati dahil sa pagkamatay wng kanyang ama, ngunit nabigyan ang binata ng will to live dahil sa sinabi sa kanya ni Teacher Kim. Si Abby naman ay ang babaeng niligtas niya sa kapahamakan.

Nagkasama-sama ang tatlo sa Doldam Hospital dahil sa paglipat ni Abby sa Doldam pagkatapos iligtas ni Teacher Kim ang buhay niya. Si Marcus naman ay na-transfer sa ospital dahil sa isang failed surgery sa isang VIP patient sa dati niyang pinagtatrabahuhan. 

Dahil kay Teacher Kim ay matutunan ng dalawa kung paano maging magaling at mabubuting doctor na ipaglalaban ang kanilang mga pasyente, regardless of their social status.

Abangan ang nakakaantig-damdamin na Korean drama na The Romantic Doctor ngayong December 25 na sa GMA.